18 1 / 2014

💋❤️😘

💋❤️😘

20 8 / 2013

(1.) You shall have no other Gods but me.
(2.) You shall not make for yourself any idol, nor bow down to it or worship it.
(3.)You shall not misuse the name of the Lord your God.
(4.) You shall remember and keep the Sabbath day holy.
(5.)Respect your father and mother.
(6.)You must not kill.
(7.)You must not commit adultery.
(8.)You must not steal.
(9.)You must not give false evidence against your neighbour.
(10.)You must not be envious of your neighbour’s goods. You shall not be envious of his house nor his wife, nor anything that belongs to your neighbour.

17 8 / 2013

This is so me. I really wanted to. And Im asking for it all the time. But, still i dont know if its my laziness or what that controls me. I dont know.

This is so me. I really wanted to. And Im asking for it all the time. But, still i dont know if its my laziness or what that controls me. I dont know.

15 6 / 2013

Hello po sa lahat ng makakabasa nito! God bless us po.


Marami na po akong friends sa Fb, may followers na po ako sa Twitter at ganon na din po sa Instagram. Hindi naman po sa nagyayabang ako. Hindi rin naman po kasi sila karamihan. At sapat na po sila para sa akin. What I mean is sa palagay ko po e sapat na sila o sapat na yung may naglilike ng status ko meaning, nababasa nila yung status ko o nakikita nila yung mga post ko.


Ah. O sige po balik na po tayo sa gusto ko talagang sabihin. Dahil nga yun nga maka ilang beses ko na po kasing ginusto na magpost ng mga status na about God o kahit yung mga simpleng pag Thank You ko po sa Kanya at yung experience ko na gusto ko sanang ishare sa kanila para naman malaman nila how great Our Creator is. And ano yung isip ko pananaw ko towards Him just like yung ginagawa ng iba. Kaso nga lang po, lagi ko yung binubura at hindi ko na lang ipinopost dahil nahihiya ako dahil ayokong isipin nila na sinasabi ginagawa ko yun para magpakitang tao. You get what I mean? Yung feeling na parang ang plastik po pag sa akin nanggaling. Parang bait-baitan ang peg. May mali po. May mali sa mga sinabi ko ngayon, may mali sa desisyon ko, may mali sa inisip at nakita ko, may mali sa sarili ko, may mali po ako. Kaya gusto ko po sanang tulungan niyo akong magdecide. Whether to go on and post it or continue ko lang po yung pananahimik.


Mayroon po kasing sumasagi sa isip ko. May nakapagsabi na kung may way ka para ipakita o ipakilala si God sa iba, o yung words of wisdom Niya, do it. Pero naguguluhan ako dahil may dalawang magiging reaksyon ang tao kapag nagpost at nagkwento ako about Him; (1)”ang galing talaga ni God! No words can describe how great He is” “Naniniwala ako sa Kanya(tinutukoy ay si God) at lalo akong nagtiwala sa Diyos”. (2)”plastik, sinasabi niya(tinutukoy ay ako) lang yan bec. kunwari mabait siya, masama naman ang ugali, sinungaling” “banal-banalan”


Possible reaction lang po yan na naisip ko, pero hindi ko po hinuhusgahan ang tao. Sorry kung may mali, may nasabi akong di maganda sa kapwa ko. Again, gusto ko lang po humingi ng opinyon niyo. Thank you po, God bless us!

08 6 / 2013

Todays #outfit !! #spring #fashion #bag #necklace #skirt  #shoes #sandals ..

Todays #outfit !! #spring #fashion #bag #necklace #skirt #shoes #sandals ..

05 6 / 2013

Lahat naman tayo pareparehas na umiibig. Nagkakaiba nga lang sa paraan kung paano natin yun naipapakita.

Ako kasi sobrang nagtataka. Di tulad ng “ideal way” o yung ginagawa ng karamihan, ibang iba yung paraan o yung reaksyon ko kapag naiinlove.

1. Pasulyap-sulyap. Ito, medyo common naman sa lahat kapag meron silang type o crush sa isang tao, di maiiwasan yung pasulyap-sulyap movement. Yung tipong pag alam mong di siya nakatingin sayo tititigan mo siya hanggang sa paggumalaw na siya, babaling kana ng tingin sa iba. Di dapat magpahuli pagsumusulyap. Baka isipin nila may crush tayo sa kanya. :-)

2. Pag-aayos. Pag-aayos physically. Yung dati kahit ano suot mo, kahit magulo buhok mo, kahit may muta o dumi ka sa ilong e wala kang pakialam. Pag nainlove o may natitipuhan kana yun bang feeling na dapat lagi kang presentable. Yung gusto mo pag nakita ka niya maganda ka at mabango ka. :-)

3. Kabado. Ito talaga ewan ko kung nafefeel niyo rin ito e. Yung feeling na makita mo lang siya o napatingin lang siya sayo o palapit siya at lalo na pag kinausap ka niya. Ang lakas na kaba mo at kahit malamig pagpapawisan ka. Dug-dug, dug-dug. :-)

4. Tuliro. Ito yung kapag nandyan na siya, nilapitan ka at kinakausap ka. “ha?” Maputlang labi, nanginginig na boses, malikot na mata. Yung nakikinig ka sa kanya pero di mo iniintindi sinasabi niya, nakatingin ka lang sa kanya. Yung hindi kana makahinga. Tatakbo o tatakbo? :-)

5. Bukambibig. Lahat naman ata ganito. Kapag espesyal sayo yung tao talagang gagawa ka ng way kahit na di naman kasali sa topic e pipilitin mong ipasok yung name niya o kung codename pa nga madalas. Yung kunwari kapang galit-galitan sa kanya. Sasabihin sa kakwentuhan mo na “ganito naman iyan si Ano e” sasabihan ng masasama niyang gawa pero deep inside gusto mo lang siyang maging topic niyo pero para sayo di talaga siya masama o pangit. Wala lang maikwento mo lang siya parang ganito. “Bogard naman iyon si Kilay e. Laging nagmamagaling. Kanina nga blah blah blah…” Pero sa isip-isip mo. “Ang cute talaga ni Crush, kanina nakita ko tinuturuan niya si Ano, ang galing talaga niya, ang talitalino ang bait pa.” Yung ganon! :-)

6. Isnab. Ito yung pinakakakaibang ugali ko na makikita at malalaman mong inlove ako kapag nakita mong iniiwasan ko ang isang tao. Yung tipong parang tanga lang na pag nasa kanan siya, puntang kaliwa. Yung iiwasan mo talagang magkasalubong kayo at alam mo kung saan siya pupunta kasi nakatingin ka sa kanya. Pag no choice at nakasalubong nakayuko o kunwari nagsicellphone. Yung gustung-gusto mo siyang makausap pero pag alam mong lalapitan ka niya kung saan saan ka pupunta at hindi hihiwalay sa kaibigan mo. Yung wala naman siyang ginagawang masama sayo pero naiinis ka sa kanya at nagseselos. Yung pag nagkatinginan kayo ng di sadya e iirapan mo siya. Yung kahit gusto mo siyang yakapin at makasama at makakwentuhan ayaw ng katawan mo sumunod at umaalis ka na lang bigla palayo. :-( ito yun e. bat kaya ako ganito? Dahil nahihiya ako? Pwede. Ilang beses kong sinasabi, “bukas kakausapin at lalapitan ko na siya” pero kapag bukas na, ayon isnabera na naman ang peg ko. Sayang lang yung mga moments na siya na mismo lumalapit e ikaw naman tong lumalayo at parang tangang inaalala na lang yung paglapit ni crush at kikiligin mag-isa. Sayang talaga! Gusto niya at mas lalong gusto ko pero. Ay nako alam ko na tawag dito, ‘Torpe’ :-( :-)

Ito talaga ako. Dito niyo ako mahuhuli pag-inlove ako e. Madami pang ibang weird na galawan. Medyo kabaligtaran ata ng itsura niyo pag-inlove e. Pero kung ganito rin kayo tulad ko at nakarelate kayo, Yes! Di ako abno. Hahaha Good vibes everyone. Spread

Love. Patience. Forgiveness.
:-*******

31 5 / 2013

Gusto ko lang itala at ishare dito yung experience ko ngayong araw. Para atleast pag nakalimutan ko, babasahin ko lang ito, babalik na ulit lahat lahat ng nangyari, diba? :-)
Espesyal kasi yung araw na ‘to! 5-31-2013, ngayong araw kasi ako umalis sa trabahong pinapasukan ko, ang Wex. First time kong nagkatrabaho at dito nga ako nakapasok. (September 4, 2012) Nakakatuwa dahil kahit na hindi pa ako marunong magnihonggo at walang wala pa akong naiintindihan, ito lang ang kaisha na tumanggap sa akin at nagtiwala. Mabigat ang trabaho, magseset at maglalagay ng sheets at cover, magdadaisha, at yogore. Nakakangalay sa una pero pagnasanay kana sisiw na lang. Pero ang higit na nakakatuwa ay yung samahan sa grupo namin. Oo may away, misunderstanding, chismisan, tampuhan pero hindi e, nangingibabaw parin yung saya, tawanan, biruan, harutan na para bang nasa bahay lang. Lalo pag nagdadaisha ka, dun mo lagi makikita yung pagtutulungan, unahan sa daisha, takbuhan at di mawawala ang tawanan kahit sobrang nakakapagod. Hahaha
Ito na nga, ngayong araw yung last day ko sa work ko. Umaga palang todo linis na sila, may darating daw kasi na inspector. So yun, busy ang lahat. Nasa sheets ako nagiirekata kaso biglang pinalitan ako ni Sabel at dinala ako sa cover. Nagset ako dun. Ang ineeeeeeet! Pawisan ako nun nilapitan ulit ako ni Isabel sabi niya itago ko raw yung bimpo ko. Ay, badtrip! Ang init kaya. Sabi ko sa sarili ko di dapat to! Last day ko na kailangan di ako mabadtrip. E yun na nga 10:00 break namigay ako ng biscuits bilang ‘thank you’ narin sa kanila. Gulat ako ubos agad yung dinala kong snacks. Pero nakakatuwa syempre dahil kinain at tinanggap nila. Di ko inexpect yun! :-) binigyan ko din yung pillow, inabot ko sa leader nila at si Aika nmn nag-abot sa leader namin. Back to work… 12:30 lunch break na, nakasalubong ko si Sabel sa cr. “mana-chan, sabishii yo” sabi niya. Di ako nagreact tulad ng lagi kong ginagawa. Pero natuwa ako dahil sabi niya malulungkot daw siya. Hihi e tinatamad na akong magpatuloy sa work sabi ko kay Aika sabihin niya na masakit ulo ko gusto ko ng umuwi. Sinabi niya nga na masama yung pakiramdam ko. Pinayagan naman niya ako agad. May sinasabi siya sa akin sa locker pero di ko naintindihan. Tango lang ako ng tango tas nakasmile. Nag bye ako kina Tai-san at Oh-san, gulat sila nung sinabi kong aalis na ako sa trabaho. Si Tai-san sinundan pa ako sa banyo at hinug ako. Kumuha pa ng tissue dahil naiyak pa. Hehe ang sweet niya talaga at naging mabait naman talaga siya sa akin. Si Ate din at Ate Aoki niyakap at bineso ako. Grabe, ang sarap sa pakiramdam.
Tas yun na nga nagpaalam ako ng saglit kay Emy-san, Chin, at Ate ko sa Delta, tapos umalis na ako. Di ako nakapagpaalam ng maayos sa leader namin. Nahiya na kasi ako magpakita di ko alam kung paano lalapit sa kanya. Pero alam niyo? Napakaingay nun, tas may pagkasalbahe sa iba, tumatawa pag may nagkakamali, nanghahampas pa kung minsan. Pero sa akin… Napakabait nun kahit minsan sa sobrang papansin niya, naiinis na ako sa kanya. Mamimiss ko talaga sila at ang Wex super worth it ang experience! :”-)

03 4 / 2013

The Gwiyomi! Uso e. Hahahaha

The Gwiyomi! Uso e. Hahahaha

14 3 / 2013

Woooow! Thank you. Bongga gifts for #white #day. So #happy #happiness #lovely #chocolates #earings

Woooow! Thank you. Bongga gifts for #white #day. So #happy #happiness #lovely #chocolates #earings

23 2 / 2013

Ayoko na po ulit mangyari sa akin ‘to! Please. Sobrang sakit. #tears #sick #painful

Ayoko na po ulit mangyari sa akin ‘to! Please. Sobrang sakit. #tears #sick #painful